banal na Bibliya
Mga Awit 121
Itataas ko ang aking mga mata sa mga bundok. Mula saan manggagaling ang aking saklolo? Ang saklolo sa akin ay nanggagaling kay Yahweh, na gumawa ng langit at lupa. Hindi niya papayagang madulas ang paa mo; siya na nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip. Tingnan mo, ang tagapangalaga ng Israel ay hindi kailanman iidlip o matutulog. Tagapangalaga ninyo si Yahweh; si Yahweh ay lilim sa inyong kanang kamay. Hindi ka masasaktan ng araw sa umaga, ni ng buwan sa gabi. Iingatan ka ni Yahweh sa lahat ng kapahamakan, at iingatan niya ang iyong buhay. Iingatan ni Yahweh ang lahat ng iyong ginagawa ngayon at magpakailanman.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.