Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 120

Sa aking kahirapan tumawag ako kay Yahweh, at sinagot niya ako. Iligtas mo ang aking buhay, O Yahweh, mula sa mga sinungaling na labi at mula sa mandarayang dila. Paano ka niya parurusahan, at ano pa ang magagawa sa iyo, ikaw na may sinungaling na dila? Papanain ka niya ng matalim na mga pana ng mandirigma, kung saan hinulma sa mainit na mga uling ng puno ng tambo. Kaawaan ako dahil pansamantala akong naninirahan sa Mesech; nanirahan ako dati sa mga tolda ng Kedar. Matagal akong nanirahan kasama silang napopoot sa kapayapaan. Ako ay para sa kapayapaan, pero kapag ako ay nagsasalita, sila ay para sa digmaan.

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.