banal na Bibliya
Mga Awit 122
Ako ay nagalak nang kanilang sabihin sa akin, “Tayong pumunta sa tahanan ni Yahweh.” Ang mga paa natin ay nakatayo sa loob ng iyong tarangkahan, O Jerusalem. Ang Jerusalem ay itinayo tulad ng isang lungsod na matatag. Ang mga angkan ni Yahweh ay umakyat doon, ang mga angkan ni Yahweh, bilang isang batas para sa Israel para magbigay pasasalamat sa pangalan ni Yahweh. Doon ang mga pinuno ay nakaupo sa mga trono para sa hatol ng sambahayan ni David. Manalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem! Sila ay giginhawa na nagmamahal sa inyo. Magkaroon nawa ng kapayapaan sa loob ng inyong mga pader at kaginhawahan sa inyong mga tore. Para sa mga kapakanan ng aking mga kapatid at kasamahan, sasabihin ko ngayon, “Magkaroon nawa ng kapayapaan sa inyo.” Para sa kapakanan ng tahanan ni Yahweh na ating Diyos, mananalangin ako para sa inyong ikabubuti.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.