Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 98

Isang Awit.

Umawit ng bagong awit sa Panginoon,

sapagkat kahanga-hanga

ang kanyang mga gawa!

Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼy

tinalo niya ang ating mga kaaway.

Ipinakita ng Panginoon

sa mga bansa

ang kanyang pagliligtas

at pagiging makatuwiran.

Hindi niya kinalimutan

ang kanyang pag-ibig

at katapatan sa Israel.

Nakita ng lahat ng tao

sa buong mundo

ang pagliligtas ng ating Diyos.

Kayong lahat ng tao sa buong mundo,

sumigaw kayo sa galak sa Panginoon!

Buong galak kayong umawit

ng papuri sa kanya.

Umawit kayo ng mga papuri //sa Panginoon

habang tinutugtog ang mga alpa.

Patunugin ang mga trumpeta //at tambuli;

sumigaw kayo sa galak sa harapan //ng Panginoon, na Hari.

Magalak ang dagat

at ang lahat ng naninirahan dito,

gayundin ang buong mundo at ang lahat //ng narito.

Magpalakpakan ang mga ilog

at sabay-sabay na magsiawit sa tuwa

ang mga kabundukan.

Magalak sila sa presensya //ng Panginoon na hari

dahil darating siya upang hatulan

ang lahat ng tao sa buong mundo.

Hahatulan niya sila nang matuwid

at walang kinikilingan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.