Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 76

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.

Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda,

at sa Israel ay dakila siya.

Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.1

Doon, sinira niya ang mga nagniningas

na palaso ng kaaway,

ang kanilang mga pananggalang, espada

at iba pang kagamitang pandigma.

O Diyos, makapangyarihan kayo

at higit na dakila

habang bumababa kayo sa bundok

na kung saan pinatay nʼyo

ang inyong mga kaaway.2

Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.

Silang lahat ay namatay na;

wala nang makakapagbuhat pa

ng kamay sa amin.

O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw,3

ang mga kawal4 at ang kanilang mga kabayo //ay namatay.

Kaya dapat kayong katakutan.

Sinong makakatagal sa inyong harapan

kapag kayoʼy nagalit?

Mula sa langit ay humatol kayo.

Ang mga tao sa mundo

ay natakot at tumahimik

nang humatol kayo, O Diyos,

upang iligtas ang lahat ng inaapi //sa daigdig.

Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao5

ay magbibigay ng karangalan sa inyo,

ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos

ang inyong galit.

Mangako kayo sa Panginoon

na inyong Diyos at tuparin ito.

Lahat kayong mga bansang nasa paligid,

magdala kayo ng mga regalo sa Diyos

na siyang karapat-dapat katakutan.

Ibinababa niya ang mapagmataas

na mga pinuno;

kinatatakutan siya ng mga hari

rito sa mundo.

Source notes (5)
  1. Footnote Jerusalem : Sa Hebreo, Salem. Isa rin itong pangalan ng Jerusalem na ang ibig sabihin ay “kapayapaan”.
  2. Footnote habang … kaaway : Sa Septuagint, sa matatandang bundok.
  3. Footnote sigaw : O saway.
  4. Footnote kawal : Sa literal, mangangabayo.
  5. Footnote ang … tao : O ang galit ng mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.