banal na Bibliya
Mga Awit 111
Purihin si Yahweh. Magbibigay ako ng pasasalamat kay Yahweh ng buong puso sa kapulungan ng matutuwid, sa kanilang pagtitipon. Ang mga gawain ni Yahweh ay dakila, nananabik na hinihintay ng lahat nang nagnanais sa kanila. Ang kaniyang mga gawain ay dakila at maluwalhati, at ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman. Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay na maaalala; si Yahweh ay mapagbigay-loob at maawain. Nagbibigay siya ng pagkain sa kaniyang tapat na mga tagasunod. Palagi niyang inaalala ang kaniyang tipan. Ipinamalas niya ang kaniyang makapangyarihang mga gawa sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mana sa mga bansa. Ang mga gawain ng kaniyang mga kamay ay mapagkakatiwalaan at makatarungan; lahat ng kaniyang mga tagubilin ay maaasahan. Pinatatag sila magpakailanman, para masiyasat nang tapat at nang wasto. Nagbigay siya ng tagumpay sa kaniyang bayan; itinalaga niya ang kaniyang tipan magpakailanman; banal at kahanga-hanga ang kaniyang pangalan. Ang parangalan si Yahweh ay simula ng karunungan; ang mga gumagawa ng kaniyang mga tagubilin ay mayroong mabuting pang-unawa. Ang kaniyang kapurihan ay mananatili magpakailanman.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.