banal na Bibliya
Mga Awit 110
Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.” Hahawakan ni Yahweh ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion; mamuno ka sa iyong mga kaaway. Ang iyong bayan ay susunod sa iyo sa banal na kasuotan ng kanilang sariling kalooban sa araw ng iyong kapangyarihan; mula sa sinapupunan ng bukang liwayway ang iyong pagkabata ay mapapasaiyo gaya ng hamog. Sumumpa si Yahweh, at hindi magbabago: “Ikaw ay isang pari magpakailanman, ayon sa paraan ni Melkisedek.” Ang Panginoon ay nasa iyong kanang kamay. Papatayin niya ang mga hari sa araw ng kaniyang galit. Hahatulan niya ang mga bayan; pupunuin niya ang lugar ng digmaan ng mga bangkay; papatayin niya ang mga pinuno ng maraming mga bansa. Iinom siya sa batis sa tabi ng daan, at pagkatapos ay ititingala niya ang kaniyang ulo pagkatapos ng tagumpay.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.