Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 54

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas. Isinulat ito ni David pagkatapos isumbong ng mga taga-Zif kay Saul na nagtatago siya sa kanilang lugar.

O Diyos, iligtas nʼyo ako

sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan

at patunayan nʼyong wala akong kasalanan.

O Diyos, ang panalangin koʼy dinggin.

Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko.

Sapagkat sinasalakay ako

ng mga dayuhan

upang akoʼy patayin.

Malulupit sila at hindi kumikilala //sa inyo.

Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin.

Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.

Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway

ang kanilang kasamaan.

O Diyos, sa inyong pagkamatapat,

lipulin nʼyo sila.

Kusang-loob akong maghahandog

sa inyo Panginoon.

Pupurihin ko ang pangalan nʼyo

dahil napakabuti ninyo.

Iniligtas nʼyo ako

sa lahat ng paghihirap,

at nakita kong natalo

ang aking mga kaaway.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.