Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 53

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isa itong maskil ni David ayon sa mahalat.

“Walang Diyos!”

Iyan ang sinasabi ng mga hangal

sa kanilang sarili.

Masasama sila at kasuklam-suklam

ang kanilang mga gawa.

Ni isa ay walang gumagawa ng mabuti.

Mula sa langit, tinitingnan ng Diyos

ang lahat ng tao,

kung may nakakaunawa ng katotohanan

at naghahanap sa kanya.

Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas

at pare-parehong nabulok ang pagkatao.

Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.

Kailan kaya matututo

ang masasamang tao?

Sinasamantala nila

ang aking mga kababayan

para sa kanilang pansariling kapakanan.

At hindi sila nananalangin sa Diyos.

Ngunit manginginig sila sa takot,

kahit sa mga bagay na hindi dapat katakutan.

Sapagkat ikakalat ng Diyos

ang mga buto ng mga sumasalakay sa inyo.

Malalagay sila sa kahihiyan,

dahil itinakwil sila ng Panginoon.

Sanaʼy dumating na ang Tagapagligtas

ng Israel mula sa Zion!

Magsasaya ang mga Israelita,

ang mga mamamayan ng Diyos,

kapag naibalik na niya

ang kanilang kasaganaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.