Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 121

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

Napapatanaw ako sa mga bundok;

saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?

Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,

na gumawa ng langit at ng lupa.

Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.

Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.

Pakinggan mo ito!

Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.

Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;

siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.

Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.1

Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;

pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.

Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,

ngayon at magpakailanman.

Source notes (1)
  1. Footnote Noon, alam na ng mga sinaunang tao na nagdudulot ng kapinsalaan ang matinding sikat ng araw, at naniniwalang ang liwanag ng buwan ay may dalang sakit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.