Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025
Mga Salmo 120
Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.
Sa aking paghihirap akoʼy tumawag sa Panginoon,
at akoʼy kanyang sinagot.
Panginoon, iligtas nʼyo ako
sa mga mandaraya at sinungaling.
Kayong mga sinungaling,
ano kaya ang parusa ng Diyos sa inyo?
Parurusahan niya kayo
sa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawal
at nagliliyab na baga.
Nakakaawa ako dahil naninirahan akong kasama
ng mga taong kasinsama ng mga taga-Mesec
at mga taga-Kedar.
Matagal na rin akong naninirahang
kasama ng mga walang hilig sa kapayapaan.
Ang nais koʼy kapayapaan,
ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan,
ang gusto nilaʼy digmaan.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.