Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 11

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

Sa Panginoon ako kumakanlong.

Ngunit sinasabi ninyo sa akin,

“Tumakas ka papuntang kabundukan,

lumipad kang tulad ng ibon.1

Inihanda na ng mga masasama

ang kanilang mga pana,

upang panain nang palihim

ang mga matutuwid.

Ano ang magagawa ng mga matutuwid

kung ang batas na pundasyon ng bayan

ay wala nang halaga?”

Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo;

at nasa langit ang kanyang trono.

Tinitingnan niya at sinisiyasat

ang lahat ng tao.

Sinisiyasat niya ang matutuwid

at masasamâ.

Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.

Pauulanan niya ng lumalagablab

na baga at asupre ang masasamâ;

at ipapadala niya ang mainit na hangin

na papaso sa kanila.

Dahil ang Panginoon ay matuwid

at siyaʼy nalulugod sa mga gawang mabuti.

Kaya ang mga namumuhay nang tama

ay makakalapit sa kanya.2

Source notes (2)
  1. Footnote Tumakas … ibon : Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ibon, tumakas kayo sa inyong bundok.
  2. Footnote makakalapit sa kanya : Sa literal, makakakita sa mukha niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.