Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Job 25

Nagsalita si Bildad

Sumagot si Bildad na taga-Shua,

“Makapangyarihan ang Diyos

at kagalang-galang.

Pinaghahari niya

ang kapayapaan sa langit.

Mabibilang ba ang kanyang hukbo?

May lugar bang hindi nasisinagan

ng kanyang liwanag?

Paano makakatayo ang isang tao

sa harapan ng Diyos

at sasabihing siya ay matuwid?

Mayroon bang taong ipinanganak

na walang kapintasan?

Kung ang buwan at mga bituin

ay hindi maliwanag sa kanyang paningin,

di lalo na ang tao

na parang uod lamang.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.