Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 87

Ang lungsod ng Panginoon ay naitatag sa banal na mga kabundukan. Mas minamahal ni Yahweh ang mga tarangkahan ng Sion kaysa sa lahat ng mga tolda ni Jacob. Mga maluwalhating bagay ay sinabi sa iyo, lungsod ng Diyos. Selah Binanggit ko ang Rahab at Babilonia sa mga tagasunod ko. Masdan ninyo, may Filistia, at Tiro, kasama ang Etiopia. Ang isang ito ay ipinanganak doon. Sa Sion ay sasabihin ito, “Bawat isa rito ay ipinanganak sa kaniya; at ang Kataas-taasan mismo ang magtatatag sa kaniya.” Tinatandaan ni Yahweh habang inililista niya ang mga tao, “Ang isang ito ay ipinanganak doon.” Selah Kaya sinasabi ng mang-aawit at mananayaw, “Ang lahat ng aking bukal ng tubig ay nasa iyo.”

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.