Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 82

Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol. Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? Selah Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha. Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo sila sa kamay ng masasama. Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy sila sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho. Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan. Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.” Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.