banal na Bibliya
Mga Awit 70
Iligtas mo ako, O Diyos! Yahweh, pumunta ka agad at tulungan ako. Hayaan mong mapahiya ang mga nagtatangka sa aking buhay at mapahamak; hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan, silang nakuhang magsaya sa aking kalungkutan. Hayaan mo silang tumalikod dahil sa kanilang kahihiyan, silang mga nagsasabi ng, “Aha, aha.” Hayaan mong ang mga iyon na naghahanap sa inyo ay matuwa at magalak sa inyo; hayaan mong ang mga umiibig sa iyong kaligtasan na sabihin lagi, “Purihin nawa ang Diyos.” Pero ako ay mahirap at nangangailangan; magmadali ka sa akin, O Diyos; ikaw ang tutulong at sasagip sa akin. Yahweh, huwag kang maantala.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.