Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 67

Maging maawain nawa ang Diyos sa atin at pagpalain tayo at pahintulutan na magningning ang kaniyang mukha sa atin nang sa gayon ang iyong mga pamamaraan ay maihayag sa lupa, ang iyong kaligtasan sa lahat ng mga bansa. Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaan mong purihin ka ng lahat. O, hayaan mong matuwa at umawit sa galak ang mga bansa para sa iyo, dahil hahatulan mo ang mga tao nang may katarungan at pamumunuan mo ang mga bansa sa lupa. Selah Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaang mong purihin ka ng lahat. Pinalago ng lupa ang ani nito at ang Diyos, ang ating Diyos, ang nagpala sa atin. Pinagpala tayo ng Diyos, at pinararangalan siya sa lahat ng sulok ng mundo.

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.