banal na Bibliya
Mga Awit 61
O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin. Tumatawag ako mula sa dulo ng daigdig kapag nagapi ang aking puso; dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin. Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway. Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. Selah Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan. Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi. Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman; Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman para araw-araw kong magawa ang aking mga panata.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.