Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 3

Yahweh, napakarami ng aking mga kaaway! Marami ang tumalikod at nilusob ako. Maraming nagsasabi tungkol sa akin, “Walang tulong mula sa Diyos na darating para sa kaniya.” Selah Pero ikaw, Yahweh, ay isang kalasag sa aking paligid, aking kaluwalhatian, at ang siyang nag-aangat ng aking ulo. Tinataas ko ang aking tinig kay Yahweh, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na burol. Selah Nahiga ako at natulog; nagising ako, dahil inalagaan ako ni Yahweh. Hindi ako matatakot sa maraming tao sa bawat dako na inihanda ang kanilang mga sarili laban sa akin. Bumangon ka, Yahweh! Iligtas mo ako, aking Diyos! Dahil sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban sa panga; sisirain mo ang mga ngipin ng masasama. Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh. Nawa makamit ang iyong mga pagpapala ng iyong bayan. Selah

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.