Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 26

Hatulan mo ako, Yahweh, dahil lumakad ako nang may dangal; Nagtiwala ako kay Yahweh nang walang pag-aalinlangan. Siyasatin mo ako, Yahweh, at ako ay iyong subukin; subukin mo ang kadalisayan ng aking mga kaloob-looban at ang aking puso! Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay nasa harap ng aking mga mata, at ako ay lumalakad sa iyong katotohanan. Hindi ako nakikisama sa mga mandaraya, o nakikisalamuha sa mga hindi tapat. Napopoot ako sa kapulungan ng mga gumagawa ng kasamaan, at hindi ako nakikipamuhay sa mga masasama. Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalan ng kasalanan, at pumupunta ako sa paligid ng iyong altar, Yahweh, para umawit ng isang malakas na awitin ng papuri at ibalita ang lahat ng iyong mga kahanga-hangang mga gawa. Yahweh, mahal ko ang tahanan kung saan ka naninirahan, ang lugar na pinananahanan ng iyong kaluwalhatian. Huwag mo akong walisin kasama ng mga makasalanan, o ang aking buhay kasama ng mga taong hayok sa dugo, kung saan ang mga kamay ay may masamang balak, at sa kanang kamay ay puno ng mga suhol. Pero para sa akin, lalakad ako nang may dangal; tubusin mo ako at maawa ka sa akin. Nakatayo ang aking paa sa pantay na tuntungan; sa mga kapulungan ay pupurihin ko si Yahweh!

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.