Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 15

Sinong puwedeng manatili sa iyong tabernakulo, Oh Yahweh? Sinong maaaring manirahan sa iyong banal na burol? Siya ay lumalakad sa katuwiran at gumagawa ng tama and nagsasabi ng katotohanan mula sa kaniyang puso. Hindi siya naninirang-puri gamit ang kaniyang dila, o nananakit ng iba, o nang-iinsulto ng kaniyang kapwa. Ang taong walang halaga ay kasuklam-suklam sa kaniyang paningin, pero pinararangalan niya ang lahat ng may takot kay Yahweh. Sumusumpa siya sa kaniyang sariling kakulangan at hindi tumatalikod sa kaniyang mga pangako. Hindi siya naniningil ng tubo sa tuwing siya ay nagpapautang. Hindi rin siya tumatanggap ng suhol para tumestigo laban sa walang-sala. Sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman mayayanig.

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.