banal na Bibliya
Mga Awit 142
Gamit ang aking boses ako ay tumatawag kay Yahweh; nagsumamo ako gamit ang aking boses kay Yahweh. Ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa harap niya; sinabi ko sa kaniya ang aking mga kaguluhan. Kapag nanghina ang aking espiritu, alam mo ang aking landas. Sa aking paglalakad sila ay nagtago ng patibong para sa akin. Tumingin ako sa aking kanan at nakita na walang sinuman ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na ako makakatakas; walang nag-aalala sa aking buhay. Ako ay tumawag sa iyo, Yahweh; at sinabi, “ Ikaw ang aking kublihan, ang aking bahagi sa lupain ng mga buhay. Makinig ka sa aking tawag, dahil napakalungkot ko; sagipin mo ako mula sa aking mga taga-usig, dahil sila ay mas malakas kaysa sa akin. Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa kulungan para ako ay makapagpasalamat sa iyong pangalan. Ang matutuwid ay magtitipon sa aking paligid dahil ikaw ay naging mabuti sa akin.”
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.