Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 13

Yahweh, gaano katagal mong kalilimutan ang tungkol sa akin? Gaano katagal mo itatago ang iyong mukha sa akin? Gaano katagal ako dapat mag-alala at magkaroon ng kalungkutan sa aking puso sa buong araw? Gaano katagal magtatagumpay ang aking mga kaaway? Tumingin ka sa akin at sagutin mo ako, Yahweh aking Diyos! Paliwanagin ang aking mga mata, o ako ay matutulog sa kamatayan. Huwag mong hayaan na sabihin ng aking kaaway, “Natalo ko siya”, para ang aking kaaway ay hindi magsabing, “Ako ay nanaig sa aking kalaban”; kung hindi, ang aking mga kaaway ay magdiriwang kapag ako ay bumagsak. Pero nagtiwala ako sa katapatan mo sa tipan; ang aking puso ay nagagalak sa iyong kaligtasan. Aawit ako kay Yahweh dahil pinakitunguhan niya ako nang mabuti.

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.