Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 128

Mapalad ang lahat ng nagpaparangal kay Yahweh, siyang lumalakad sa kaniyang kaparaanan. Kung ano ang ibinigay ng iyong mga kamay, ikaw ay masisiyahan; ikaw ay pagpapalain at mananagana. Ang iyong asawang babae ay tulad ng mabungang ubasan sa iyong tahanan; at ang iyong mga anak ay magiging tulad ng tanim ng olibo habang sila ay nakaupo sa palibot sa iyong lamesa. Oo, tunay nga, ang tao ay pagpapalain, siyang nagpaparangal kay Yahweh. Nawa pagpalain ka ni Yahweh mula sa Sion; nawa makita mo ang kasaganahan ng Jerusalem sa lahat ng araw ng iyong buhay. Nawa mabuhay ka para makita ang anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.