banal na Bibliya
Mga Awit 124
“Kung wala si Yahweh sa ating panig,” hayaang sabihin ng Israel ngayon, “kung hindi si Yahweh ang nasa ating panig nang lumusob ang mga tao laban sa atin, tiyak lalamunin nila tayo ng buhay nang sumiklab ang kanilang matinding galit laban sa atin. Tatangayin tayo ng tubig; lalamunin tayo ng malakas na agos ng tubig. Pagkatapos lulunurin tayo ng rumaragasang tubig.” Purihin si Yahweh, siyang hindi nagpahintulot na magutay-gutay tayo sa pamamagitan ng kanilang mga ngipin. Nakatakas tayo tulad ng isang ibon mula sa patibong ng mga manghuhuli; ang patibong ay nasira at tayo ay nakatakas. Ang ating saklolo ay na kay Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.