banal na Bibliya
Mga Awit 117
Purihin si Yahweh, lahat ng bansa; siya ay parangalan, lahat ng mga tao. Dahil ang kanyang katapatan sa tipan ay dakila para sa atin, at ang pagiging mapagkakatiwalaan ni Yahweh ay mananatili magpakailanman. Purihin si Yahweh.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.