Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Mga Awit 114

Nang lumabas ang Israel sa Ehipto, ang sambahayan ni Jacob mula sa mga dayuhan na iyon, ang Juda ang naging banal niyang lugar, ang Israel ang kaniyang kaharian. Nakita ito ng dagat, at tumakas ito; umatras ang Jordan. Ang mga bundok ay lumukso na parang mga tupa, ang mga burol ay lumukso na parang mga batang tupa. Bakit ka tumakas, O dagat? Jordan, bakit ka tumakas? Mga bundok, bakit kayo lumukso na parang mga tupa? Kayong maliliit na burol, bakit kayo lumukso na parang batang tupa? Mayanig ka, O lupa, sa harap ng Panginoon, sa presensiya ng Diyos ni Jacob. Ginawa niyang lawa ng tubig ang malaking bato, ginawa niyang bukal ng tubig ang matigas na bato.

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.