banal na Bibliya
Mga Awit 100
Sumigaw na may kagalakan kay Yahweh, buong daigdig. Maglingkod kay Yahweh ng may kasiyahan; magsilapit sa kanyang presensiya na umaawit nang may kagalakan. Kilalalanin ninyo na si Yahweh ay Diyos; siya ang gumawa sa atin, at tayo ay sa kanya. Tayo ang kanyang bayan at mga tupa sa kanyang pastulan. Magsipasok kayo sa loob ng kanyang mga tarangkahan na may pagpapasalamat at sa loob ng kanyang mga silid na may pagpupuri. Pasalamatan at purihin ang kanyang pangalan. Dahil si Yahweh ay mabuti; ang kanyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman at ang kanyang pagiging totoo ay magpapatuloy sa lahat ng mga salinlahi.
banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.