Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Job 26

Pagkatapos sumagot si Job at sinabi, Ganoon mo natulungan ang isang walang kapangyarihan! Ganoon mo iniligtas ang bisig na walang kalakasan! Ganoon mo pinayuhan ang isang walang karunungan at ipinahayag sa kaniya ang tamang kaalaman! Kaninong tulong ang tinutukoy mo? Kaninong espiritu ang lumabas mula sa iyo? Tumugon si Bildad, “Ang mga namatay, ang mga kaluluwa, ay nanginginig, ang mga naninirahan sa ilalim ng karagatan. Hubad ang Sheol sa harap ng Diyos; mismong ang pagkawasak ay walang panakip laban sa kaniya. Inuunat niya ang hilaga sa walang laman na kalawakan at ibinibitin ang daigdig sa gitna ng kawalan. Binibigkis niya ang mga tubig sa kaniyang mga makapal na ulap, pero hindi sumasabog ang mga ulap sa ilalim nila. Tinatakpan niya ang mukha ng buwan at inilalatag dito ang kaniyang mga ulap. Umukit siya ng isang pabilog na hangganan sa ibabaw ng mga tubig bilang guhit sa pagitan ng liwanag at kadiliman. Nanginginig ang mga haligi ng langit at nabibigla sa kaniyang pagsasaway. Pinakalma niya ang dagat sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, winasak niya si Rahab. Sa pamamagitan ng kaniyang hininga, pinagliwanag niya ang kalangitan mula sa mga bagyo; ang mga kalangitan ay pinagliwanag mula sa mga bagyo; sinaksak ng kaniyang kamay ang tumatakas na ahas. Tingnan mo, ang mga ito ay mga palawit lamang ng kaniyang mga pamamaraan; kay hinang bulong ang naririing natin mula sa kaniya! Sino ang makakaunawa sa kulog ng kaniyang kapangyarihan?

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.