Skip to content
BibleKenya

banal na Bibliya

Ester 10

Pagkatapos nagpataw ng isang buwis sa lupain at sa mga lupang baybayin sa tabing-dagat si Haring Ahasueros. Lahat ng mga nagawa ng kanyang kapangyarihan at kalakasan, kasama ang buong kasaysayan ng kadakilaan ni Mordecai kung saan inangatan siya ng hari, nakasulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Alaala ng mga Hari ng Media at Persia. Si Mordecai na Judio ay pangalawa sa antas kay Haring Ahasueros. Siya ay dakila sa gitna ng mga Judio at tanyag sa kanyang maraming kapatid na Judio, sapagkat hinahangad niya ang kapakanan ng kanyang lahi, at siya ay nagsalita para sa kapayapaan ng lahat ng kanyang lahi.

banal na Bibliya. Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: eBible.org. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-10-25.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.