Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 87

Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

Itinayo ng Panginoon ang lungsod //ng Jerusalem1

sa banal na bundok.

Mahal niya ang lungsod na ito

kaysa sa lahat ng lugar //sa Israel.2

Magagandang bagay ang kanyang //sinasabi

tungkol sa lungsod na ito.

Sabi niya, “Kung ililista ko

ang mga bansang

kumikilala sa akin,

isasama ko ang Ehipto,3 ang Babilonia,

pati na ang Filistia, Tiro at Etiopia.

Ituturing kong tubong Jerusalem

ang kanilang mga mamamayan.”

Ito nga ang masasabi tungkol sa Zion,

“Ang taong ito at iyon

ay tubong Jerusalem.

At ang Kataas-taasang Diyos

ang siyang magpapatatag

ng lungsod niyang ito.”

Ililista ng Panginoon ang kanyang

mga mamamayan

at isasama rin niya ang maraming tao

na ituturing niyang mga tubong //Jerusalem.

Silang lahat ay magsisiawit ng,

“Ang lahat ng ating mga pagpapala

ay sa Jerusalem nagmula!”

Source notes (3)
  1. Footnote Jerusalem : O Zion.
  2. Footnote Israel : Sa Hebreo, Jacob.
  3. Footnote Ehipto : Sa Hebreo, Rahab. Ito ang tawag sa dragon na sumisimbolo sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.