Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 85

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

Panginoon, naging mabuti kayo sa inyong lupain.

Ibinalik nʼyo sa magandang kalagayan //ang Israel.1

Pinatawad nʼyo ang kasamaan

ng inyong mga mamamayan;

inalis nʼyo ang lahat

ng aming kasalanan.

Inalis nʼyo na rin ang inyong

matinding galit sa amin.

Minsan pa, O Diyos,

na aming Tagapagligtas,

ibalik nʼyo kami sa magandang //kalagayan.

Kalimutan nʼyo na ang inyong

galit sa amin.

Habang buhay na ba kayong

magagalit sa amin,

hanggang sa aming mga salinlahi?

Hindi nʼyo na ba kami ibabalik

sa magandang kalagayan

upang kami ay magalak sa inyo?

Panginoon, ipakita nʼyo sa amin

ang inyong pag-ibig

at kami ay iligtas.

Pakikinggan ko ang sasabihin //ng Panginoong Diyos,

dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin

na kanyang mga tapat na mamamayan;

iyan ay kung hindi na tayo babalik

sa ating mga kamangmangan.

Tunay na ililigtas niya

ang may takot sa kanya,

upang ipakita na ang kapangyarihan niya

ay mananatili sa ating lupain.

Ang pag-ibig at katapatan ay magkasama

at ganoon din ang katarungan

at kapayapaan.

Ang katapatan ng tao sa mundo

ay alam ng Diyos sa langit,

at ang katarungan ng Diyos sa langit

ay matatanggap ng tao sa mundo.

Tiyak na ibibigay sa atin //ng Panginoon ang mabuti

at magkakaroon ng ani

ang ating lupain.

Ang katarungan ay parang tagapagbalita

na mauunang dumating

upang ihanda ang daan ng Panginoon.

Source notes (1)
  1. Footnote Ibinalik … Israel : O Pinabalik ninyo sa kanilang lupain mula sa pagkabihag ang lahi ni Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.