Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 63

Awit na isinulat ni David habang siyaʼy nasa ilang ng Juda.

O Diyos, kayo ang aking Diyos.

Hinahanap-hanap ko kayo.

Nananabik ako sa inyo nang

buong pusoʼt kaluluwa,

tulad ng lupang tigang sa ulan.

Nakita ko ang presensya ninyo

doon sa Templo,

nasaksihan ko roon ang inyong kapangyarihan

at kaluwalhatian.

Akoʼy magpupuri sa inyo,

sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig

ay mas mainam pa kaysa buhay.

Pasasalamatan ko kayo

habang akoʼy nabubuhay.

Itataas ko ang aking mga kamay

sa paglapit sa inyo.

Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog

sa malinamnam na handaan.

At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan.1

Sa aking paghimlay, kayo ang naaalala ko.

Sa buong magdamag, kayo ang iniisip ko.

Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit2 ako,

habang akoʼy nasa inyong kalinga.3

Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako

ng inyong kanang kamay

upang hindi ako mapahamak.

Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay

ay mapupunta sa lugar ng mga patay.

Mamamatay sila sa labanan

at ang kanilang mga bangkay

ay kakainin ng mga asong-gubat.

Matutuwa ang hari sa ginawa ng Diyos //sa kanya.

Matutuwa rin ang mga nangako //sa Diyos.

Ngunit ang lahat ng sinungaling

ay patatahimikin ng Diyos!

Source notes (3)
  1. Footnote awit ng kagalakan : Sa literal, sumisigaw sa kagalakan.
  2. Footnote aawit : Tingnan ang talababa sa talata 5|PSA 63:5.
  3. Footnote habang … kalinga : Sa literal, sa lilim ng inyong pakpak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.