Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 23

Awit na isinulat ni David.

Ang Panginoon ang aking pastol,

hindi ako magkukulang ng anuman.

Pinagpapahinga niya ako

sa malagong damuhan,

inaakay niya ako patungo

sa tahimik na batisan.

Binibigyan niya ako

ng panibagong kalakasan.

Pinapatnubayan niya ako

sa tamang daan,

upang siyaʼy aking maparangalan.

Dumaan man ako sa madilim

na libis ng kamatayan,

hindi ako matatakot

dahil kayoʼy aking kasama.

Ang inyong pamalo1 at tungkod

ang sa akiʼy umaaliw.

Ipinaghahanda nʼyo ako ng piging

sa harap ng aking mga kaaway.

Pinapahiran nʼyo ng langis ang aking ulo.

At hindi nauubusan ng laman

ang aking inuman.

Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo

ay mapapasaakin

habang akoʼy nabubuhay.

At akoʼy maninirahan2

sa inyong tahanan,3

aking Panginoon, magpakailanman.

Source notes (3)
  1. Footnote pamalo : Ginagamit ng pastol upang itaboy ang mga mababangis na hayop.
  2. Footnote maninirahan : Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, babalik.
  3. Footnote sa inyong tahanan : Maaaring ang ibig sabihin, sa templo o sa tahanan ng Diyos sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.