Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 125

Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

Ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag,

sa halip ay nananatili, magpakailanman.

Kung paanong ang mga bundok

ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem,

ang Panginoon ay nasa paligid din

ng kanyang mga mamamayan, magpakailanman.

Ang masama ay hindi mananatiling namamahala

sa lupaing para sa mga matuwid,

dahil baka makagawa rin ng masama

ang mga matuwid.

Panginoon, ipakita ninyo ang inyong kabutihan

sa mga taong mabuti at namumuhay nang matuwid.

Ngunit parusahan ninyo kasama ng masasama

ang inyong mamamayan na sumusunod

sa hindi wastong pamumuhay.

Mapasaiyo nawa, Israel, ang kapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.