Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Mga Salmo 123

Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

Panginoon, dumadalangin ako sa inyo,

sa inyo na nakaupo sa inyong trono sa langit.

Kung paanong ang alipin

ay naghihintay sa ibibigay ng kanyang amo,

at ang babaeng alipin sa kanyang among babae,

gayundin naman, naghihintay kami sa tulong at habag ng Panginoon naming Diyos.

Maawa kayo sa amin Panginoon,

dahil labis na ang panghahamak sa amin.

Labis-labis na ang pangungutya sa amin

ng mga taong hambog at mapang-api.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.