Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Nehemias 7

Nang matapos na ang pader ng lungsod at naikabit na ang mga pinto nito, itinalaga sa tungkulin nila ang mga tagapagbantay ng mga pintuan ng lungsod, ang mga mang-aawit, at ang mga Levita. Ibinigay ko ang tungkulin ng pamamahala sa Jerusalem sa kapatid kong si Hanani kasama si Hananias na kumander ng mga guwardiya sa kuta. Pinili ko si Hanania dahil mapagkakatiwalaan siya at may takot sa Diyos higit sa karamihan. Sinabi ko sa kanila, “Huwag nʼyong pabayaang nakabukas ang mga pintuan ng lungsod kapag tanghaling-tapat,1 kahit may mga tagapagbantay pang nagbabantay. Dapat nakasara ito at nakakandado. Maglagay din kayo ng mga tagapagbantay mula sa mga mamamayan ng Jerusalem. Ang iba sa kanila ay ilagay sa pader na malapit sa mga bahay nila, at ang iba naman ay ilagay sa ibang bahagi ng pader.”

Ang Talaan ng mga Tao na Bumalik //mula sa Pagkabihag

(Ezra 2:1‑7)

Napakalawak noon ng lungsod ng Jerusalem pero kakaunti lang ang mga naninirahan doon at kakaunti rin ang mga bahay. Kaya ipinaisip ng aking Diyos sa akin na tipunin ang mga pinuno, mga opisyal, at iba pang mga naninirahan upang maitala sila ayon sa bawat pamilya. Nakita ko ang listahan ng mga pamilya na unang bumalik mula sa pagkabihag. Ito ang nakatala roon:

Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Nakabalik na sila sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda. Ang namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana.

Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:

Ang angkan ni Paros 2,172

Ang angkan ni Sefatias 372

Ang angkan ni Arah 652

Ang angkan ni Pahat-moab (mula sa mga pamilya ni Jeshua at ni Joab) 2,818

Ang angkan ni Elam 1,254

Ang angkan ni Zatu 845

Ang angkan ni Zacai 760

Ang angkan ni Binui 648

Ang angkan ni Bebai 628

Ang angkan ni Azgad 2,322

Ang angkan ni Adonikam 667

Ang angkan ni Bigvai 2,067

Ang angkan ni Adin 655

Ang angkan ni Ater na tinatawag ding Ezequias2 98

Ang angkan ni Hasum 328

Ang angkan ni Bezai 324

Ang angkan ni Harif3 112

Ang angkan ni Gibeon4 95

Mga Israelitang ang mga ninuno ay tumira sa mga sumusunod na bayan:

Bethlehem at Netofa 188

mga taga-Anatot 128

mga taga-Bet-azmavet 42

mga taga-Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 743

mga taga-Rama at Geba 621

mga taga-Micmas 122

mga taga-Betel at Ai 123

mga taga-Nebo 52

mga taga-Elam 1,254

mga taga-Harim 320

mga taga-Jerico 345

mga taga-Lod, Hadid, at Ono 721

mga taga-Senaa 3,930

Mga pari:

Mga angkan ni Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 973

Mga angkan ni Imer 1,052

Mga angkan ni Pashur 1,247

Mga angkan ni Harim 1,017

Mga Levita:

Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74

Mga mang-aawit sa Templo na mga angkan ni Asaf 148

Mga tagapagbantay ng Templo na mula sa angkan nina Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Sobai 138

Mga tagapaglingkod sa Templo:

Mga angkan nina

Ziha, Hasufa, Tabaot,

Keros, Sia, Padon,

Lebana, Hagaba, Salmai,

Hanan, Gidel, Gahar,

Reaias, Rezin, Nekoda,

Gazam, Uza, Pasea,

Besai, Meunim, Nefusesim,

Bakbuk, Hakufa, Harhur,

Bazlut, Mehida, Harsa,

Barkos, Sisera, Tema,

Nezias, at Hatifa.

Mga angkan ng mga alipin ni Solomon:

Ang mga angkan nina

Sotai, Soferet, Perida,

Jaala, Darkon, Gidel,

Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Amon.

Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga tagapaglingkod sa Templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.

May mga bumalik din mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon at Imer. Ngunit hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita:

Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias, at Nekoda, 642 katao silang lahat.

Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina

Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.)

Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng kanilang mga ninuno, hindi sila tinanggap bilang mga pari. Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim.5

Ang kabuuang bilang ng mga lalaki mula sa pagkabihag ay 42,360, hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337 at mga mang-aawit na lalaki at babae na 245. May dala silang 736 na kabayo, 245 mola, 435 kamelyo, at 6,720 asno.

“Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nag-ambag para sa muling pagpapatayo ng Templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, 50 mangkok, at 530 pirasong damit para sa mga pari. Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay para sa ganitong gawain ng 168 kilong ginto at 1,200 kilong pilak. Ang kabuuang ibinigay ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 1,100 kilong pilak, at 67 pirasong damit para sa mga pari.

“Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa mga bayan na kung saan nagmula ang kanilang pamilya, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga tagapagbantay ng Templo, ang mga mang-aawit, at ang mga tagapaglingkod sa Templo.”

Binasa ni Ezra ang Kautusan

Nang dumating ang ikapitong buwan, nang nakatira na ang mga Israelita sa mga bayan nila,

Source notes (5)
  1. Footnote tanghaling-tapat : Oras ito ng pamamahinga, kaya maaaring ang mga kalaban ay bigla na lang sumalakay.
  2. Footnote na tinatawag ding Ezequias : O na mga angkan ni Ezequias.
  3. Footnote Harif : O Jora.
  4. Footnote Gibeon : O Gibar.
  5. Footnote Urim at Tumim : Dalawang bagay na ginagamit upang malaman ang kalooban ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.