Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Job 18

Nagsalita si Bildad

Pagkatapos, sumagot si Bildad na taga-Shua,

“Job, hanggang kailan ka ba

magsasalita ng ganyan?

Ayusin mo ang sinasabi mo

at saka kami makikipag-usap sa iyo.

Ang tingin mo ba sa amin

ay mga hayop na hindi nakakaunawa?

Sinasaktan mo lang ang sarili mo

dahil sa galit mo.

Ang akala mo baʼy dahil lang sa iyo,

pababayaan na ng Diyos ang mundo

o ililipat niya ang mga bato

mula sa kanilang kinalalagyan?

“Sa totoo lang, ang taong masama

ay tiyak na mamamatay.

Ang tulad niyaʼy ilaw

na hindi na magbibigay ng liwanag.

Magdidilim sa kinaroroonan niya,

dahil mamamatay ang ilawang

malapit sa kanya.

Noon ay may katatagan siya

ngunit ngayon ay bumabagsak.

Ang sarili niyang plano

ang siya ring sisira sa kanya.

Siya mismo ang lumakad

papunta sa bitag

at nahuli siya.

Hindi na maalis doon

ang mga paa niya.

Inilagay ang bitag

sa dinadaanan niya,

at tinabunan ng lupa.

Napapaligiran siya ng mga bagay

na kinatatakutan niya

at para bang hinahabol siya //ng mga ito

saanman siya pumunta.

Dahil sa pagkagutom,

unti-unting nababawasan

ang lakas niya.

At ang kapahamakan

ay nakahanda upang ipahamak siya.

Ang balat niyaʼy sinisira

ng nakakamatay na sakit

at nabubulok ang kanyang

mga paaʼt kamay.

Pinaalis siya sa tahanang

kanlungan niya

at dinala sa harap

ng nakakatakot na hari.

Mawawala ang tirahan //ng masama

dahil masusunog iyon

sa nagniningas na asupre.

Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy

na natuyo ang mga ugat

at mga sanga.

Makakalimutan siya

ng lahat dito sa daigdig

at wala nang makakaalala pa //sa kanya.

Palalayasin siya mula rito

sa maliwanag na daigdig

patungo sa madilim na lugar

ng mga patay.

Wala siyang magiging anak o apo

at walang matitirang buhay //sa pamilya1 niya.

Ang mga tao sa saanmang lugar2

ay magtataka at matatakot

sa mga nangyayari sa kanya.

Ganyan nga ang sasapitin

ng taong masama na hindi

kumikilala sa Diyos.”

Source notes (2)
  1. Footnote pamilya : O bayan.
  2. Footnote sa saanmang lugar : Sa literal, sa silangan at sa kanluran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.