Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Job 10

“Kinasusuklaman ko ang buhay ko,

kaya dadaing ako hanggaʼt gusto ko.

Sasabihin ko ang aking sama ng loob.

Ito ang sasabihin ko sa Diyos:

Huwag nʼyo akong hatulan

na masama ako.

Sabihin nʼyo sa akin kung ano

ang aking kasalanan sa inyo.

Natutuwa ba kayong

pinahihirapan nʼyo ako?

Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha,

at sinasang-ayunan naman

ang binabalak ng masama?

Ang paningin ba ninyoʼy

tulad ng paningin ng tao?

Nakikita ba ninyo ang mga bagay

kung paano ito nakikita ng tao?

Ang buhay nʼyo baʼy

kasing-ikli ng buhay ng tao,

at pilit nʼyo akong hinahanapan

ng kamalian at kasalanan?

Alam ninyong wala akong kasalanan,

ngunit sinoʼng makapagtatanggol //sa akin

mula sa inyong kamay?

“Kayo ang gumawa at humubog sa akin,

at ngayon kayo rin ang sisira sa akin.

Alalahanin ninyong akoʼy hinubog ninyo //mula sa lupa1

at ngayon baʼy ibabalik nʼyo na ako //sa lupa?

Hindi baʼt kayo ang humubog sa akin

mula sa sinapupunan ng aking ina

na parang kesong hinubog

mula sa gatas?

Binuo nʼyo ang aking mga buto //at litid,

at saka binalutan ng laman at balat.

Pagkatapos, binigyan nʼyo ako //ng buhay,

pinakitaan ng kabutihan at iningatan.

“Ngunit nalaman ko

na ang tunay ninyong plano sa akin

ay ang bantayan ako

kung magkakasala ako

at kapag nangyari iyon,

hindi nʼyo ako patatawarin.

Kung nagkasala ako,

kahabag-habag ako!

At kung hindi,

hindi ko rin maiangat ang ulo ko,

sapagkat labis ang aking kahihiyan

at nalulunod ako sa aking paghihirap.

Pinagsisikapan kong bumangon,

ngunit para kayong leon

na nakaabang sa akin.

Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihan

laban sa akin.

Patuloy nʼyo akong isinasakdal

at lalo kayong nagagalit sa akin.

Walang tigil nʼyo akong nilulusob.

“Bakit niloob nʼyo pa na isilang ako?

Sanaʼy namatay na lang ako

at wala nang nakakita sa akin.

Hindi na lang sana ako nilikha.

Namatay na lang sana ako

bago isinilang

at itinuloy sa libingan.

Maikling panahon na lang

ang natitira sa akin,

kaya hayaan nʼyo na lang ako

upang kahit saglit man lang

ay sumaya naman ako,

bago ako pumunta sa lugar

na malungkot at madilim,

at hindi na ako makakabalik pa rito.

Napakadilim sa lugar na iyon;

palaging gabi at walang liwanag,

at naghahari doon ang kaguluhan.”

Source notes (1)
  1. Footnote hinubog … lupa : O hinubog mo mula sa putik.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.