Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Jeremias 45

Ang Mensahe para kay Baruc

Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda, isinulat ni Baruc na anak ni Nerias ang mga sinabi ni Propeta Jeremias sa kanya. Sinabi ni Jeremias, “Baruc, ito ang sinabi sa iyo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Sinabi mong nakakaawa ka, dahil dinagdagan ng Panginoon ang paghihirap mo. Pagod ka na sa pagdaing at wala kang kapahingahan! Ngunit ito ang sinasabi ng Panginoon na sabihin ko sa iyo, ‘Wawasakin ko ang bansang ito na itinayo ko. Bubunutin ko ang itinanim ko. At gagawin ko ito sa buong lupain. Huwag ka nang maghahangad pa ng mga dakilang bagay. Sapagkat pasasapitin ko ang kapahamakan sa lahat ng tao, pero ikaw ay ililigtas ko kahit saan ka pumunta. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.