Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Isaias 4

Sa mga araw na iyon, pitong babae

ang mag-aagawan sa iisang lalaki

at sasabihin nila,

“Kami na ang bahala sa pagkain

at damit namin,

pakasalan mo lang kami

upang hindi kami maging kahiya-hiya

dahil wala kaming asawa.”

Muling Itatayo ang Jerusalem

Darating ang araw na pasasaganain at pagagandahin ng Panginoon ang mga pananim1 sa Israel, at ang mga ani ng lupain ay magiging karangalan at kaligayahan ng natitirang mga tao sa Jerusalem. Tatawaging banal ang mga natirang buháy sa Zion, lahat ng nakatalang nabubuhay sa lungsod ng Jerusalem. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon. Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa Jerusalem at sa mga nagtitipon doon kung araw at nagniningas na apoy naman kung gabi. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay parang isang malapad na tolda, at parang kubol kapag araw na magsisilbing lilim sa init at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.

Source notes (1)
  1. Footnote mga pananim : Sa literal, mga sanga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.