Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Isaias 20

Ang Mensahe Tungkol sa Ehipto at sa Etiopia

Ayon sa utos ni Haring Sargon ng Asiria, sinalakay ng pinakamataas na kumander ng mga sundalo ng Asiria ang Asdod, at naagaw nila ito. Bago ito nangyari, sinabi ng Panginoon kay Isaias na anak ni Amoz, “Hubarin mo ang iyong damit na panluksa at tanggalin mo ang iyong sandalyas.” Ginawa ito ni Isaias, at palakad-lakad siyang nakahubad at nakayapak.

Sinabi ng Panginoon, “Ang lingkod kong si Isaias ay palakad-lakad nang hubad at nakayapak sa loob ng tatlong taon. Itoʼy bilang tanda at babala para sa Ehipto at Etiopia. Sapagkat bibihagin ng hari ng Asiria ang mga taga-Ehipto at mga taga-Etiopia1, bata man o matanda. Bibihagin sila nang hubad at nakayapak. Makikita ang kanilang puwit, at talaga ngang mapapahiya ang mga Ehipsiyo. Ang mga umaasa sa Etiopia at ipinagmamalaki ang Ehipto ay manlulupaypay at mapapahiya. Sa araw na mangyari iyon, sasabihin ng mga Filisteo2, ‘Tingnan ninyo ang nangyari sa mga bansang ating inaasahan at hinihingan ng tulong para tayoʼy maligtas sa hari ng Asiria. Paano na tayo maliligtas?’ ”

Source notes (2)
  1. Footnote taga-Etiopia : Sa Hebreo, taga-Cus.
  2. Footnote Filisteo : Sa literal, naninirahan sa tabing-dagat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.