Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hoseas 6

Hindi Tapat ang Pagsisisi ng Israel

Nag-usap-usap ang mga taga-Israel.

Sabi nila, “Halikayo!

Magbalik-loob tayo

sa Panginoon.

Sinaktan niya tayo,

ngunit siya rin

ang magpapagaling

sa atin.

Para tayong mga patay

na agad niyang bubuhayin.

Hindi magtatagal,1

at ibabangon niya tayo

upang mamuhay

sa kanyang presensya.

Pagsikapan nating makilala

ang Panginoon.

Siyaʼy tiyak na darating,

kasing tiyak ng pagsikat ng araw.

Darating siyang parang ulan

na magdidilig sa mga lupain.”

“O Israel2 at Juda,

ano ang gagawin ko sa inyo?

Ang pag-ibig ninyo sa akiʼy

parang ambon o hamog

sa umaga na madaling mawala.

Kaya nga binalaan ko kayo

sa pamamagitan ng mga propeta

na kayoʼy mapapahamak

at mamamatay.

Hahatulan ko kayo

na kasimbilis ng kidlat.

Sapagkat hindi ang inyong mga handog

ang nais ko,

kundi ang inyong pagmamahal.3

Mas nanaisin ko pang kilalanin ninyo ako

bilang Diyos

kaysa sa mag-alay kayo

ng mga handog na sinusunog.

Ngunit tulad ni Adan,

sinira ninyo ang kasunduan natin.

Nagtaksil kayo sa akin diyan

sa inyong lugar.4

Ang bayan ng Gilead

ay tirahan ng mga makasalanan

at nabahiran ng mga bakas

ng mga paang madudugo.

Ang inyong mga pari

ay parang mga tulisan na

nag-aabang ng kanilang mabibiktima.

Pumapatay sila sa daang patungo

sa Shekem,5

at gumagawa ng maraming

nakakahiyang gawain.

Mga taga-Israel, kakila-kilabot

ang nakita ko sa inyo.

Sumasamba kayo

sa mga diyos-diyosan,

kaya naging marumi6 kayo.

“Kayo ring mga taga-Juda

ay nakatakda nang parusahan.

“Nais ko sanang ibalik

ang mabuting kalagayan

ng aking mga mamamayan.”

Source notes (6)
  1. Footnote agad … magtatagal : Sa literal, pagkatapos ng ikalawang araw o sa ikatlong araw.
  2. Footnote Israel : Sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talata 10|HOS 6:4. Tingnan ang talababa sa 4:17.
  3. Footnote pagmamahal : Maaaring ang ibig sabihin, pagmamahal sa Diyos o pagmamahal sa kapwa.
  4. Footnote Ngunit tulad ni Adan … sa inyong lugar : O Sa lugar ng Adan … sa lugar na iyon.
  5. Footnote Shekem : Isa ito sa mga bayan kung saan maaaring magtago ang sinumang makapatay ng tao nang hindi sinasadya, at doon ay walang sinumang makakagalaw sa kanya.
  6. Footnote marumi : Ang ibig sabihin, hindi na maaaring makabahagi sa mga seremonya sa templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.