Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hoseas 3

Si Hoseas at ang Kanyang Asawa

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Umalis ka at ipakita mong muli ang iyong pagmamahal sa iyong asawa kahit na nangangalunya siya. Mahalin mo siya katulad ng pagmamahal ko sa mga mamamayan ng Israel kahit na sumasamba sila sa ibang mga diyos at gustong maghandog sa kanila ng mga tinapay na may mga pasas.”

Kaya binili ko siya1 sa halagang labinlimang pirasong pilak at apat na sakong sebada.2 At sinabi ko sa kanya, “Makisama ka sa akin ng mahabang panahon, at huwag ka nang sumiping sa ibang lalaki. Kahit ako ay hindi muna sisiping sa iyo.”

Nangangahulugan ito na sa mahabang panahon ang mga Israelita ay mawawalan ng hari, pinuno, mga handog, alaalang bato, espesyal na damit3 sa panghuhula, at mga diyos-diyosan. Ngunit sa bandang huli, magbabalik-loob silang muli sa Panginoon nilang Diyos at sa lahi ni David na kanilang hari. Buong paggalang silang lalapit sa Panginoon dahil sa kanyang kabutihan.

Source notes (3)
  1. Footnote binili ko siya : Hindi matiyak kung siyaʼy kailangang bilhin. Iba-iba ang mga pakahulugan dito.
  2. Footnote apat na sakong sebada : Sa Septuagint, tatlong sakong sebada at ilang litrong alak.
  3. Footnote espesyal na damit : Sa Hebreo, efod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.