Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ezra 2

Ang Talaan ng mga Bumalik Mula sa Pagkabihag

(Neh. 7:4‑73)

Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia (nakabalik na sila sa Jerusalem at sa mga sarili nilang mga bayan sa Juda, kasama ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem na sina Zerubabel, Jeshua,1 Nehemias, Seraias, Reelaias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana).

Ito ang talaan at bilang ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:

Mga angkan nina

Paros 2,172

Sefatias 372

Arah 775

Pahat-moab (mula sa mga pamilya nina Jeshua at Joab) 2,812

Elam 1,254

Zatu 945

Zacai 760

Bani 642

Bebai 623

Azgad 1,222

Adonikam 666

Bigvai 2,056

Adin 454

Ater (na tinatawag ding Ezequias2) 98

Bezai 323

Jora 112

Hasum 223

Gibar 95

Mga Israelitang ang mga ninuno ay tumira sa mga sumusunod na bayan:

Bethlehem 123

Netofa 56

Anatot 128

Azmavet 42

Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 743

Rama at Geba 621

Micmas 122

Betel at Hai 223

Nebo 52

Magbis 156

sa isa pang Elam 1,254

Harim 320

Lod, Hadid, at Ono 725

Jerico 345

Senaa 3,630

Mga pari:

Mga angkan ni

Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 973

Imer 1,052

Pashur 1,247

Harim 1,017

Mga Levita:

Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74

Mga mang-aawit sa Templo na mula sa angkan ni Asaf 128

Mga tagapagbantay ng Templo na mula sa angkan nina Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai 139

Mga tagapaglingkod sa Templo:

Mga angkan nina

Ziha, Hasufa, Tabaot,

Keros, Siaha, Padon,

Lebana, Hagaba, Akub,

Hagab, Salmai, Hanan,

Gidel, Gahar, Reaias,

Rezin, Nekoda, Gazam,

Uza, Pasea, Besai,

Asnah, Meunim, Nefisim,

Bakbuk, Hakufa, Harhur,

Bazlut, Mehida, Harsa,

Barkos, Sisera, Tema,

Nezias at Hatifa.

Mga angkan ng mga alipin ni Solomon:

Ang mga angkan nina

Sotai, Soferet, Peruda,

Jaala, Darkon, Gidel,

Sefatias, Hatil,

Poqueret-hazebaim at Ami.

Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga tagapaglingkod sa Templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.

May mga bumalik din mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon, at Imer. Ngunit hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita. Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias at Nekoda na may kabuuang bilang na 652.

Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.) Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng mga ninuno nila, hindi sila tinanggap bilang mga pari. Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim.3

Ang kabuuang bilang ng mga bumalik sa Juda mula sa pagkabihag ay 42,360, hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337, at mga mang-aawit na lalaki at babae na mahigit dalawang daan. May dala silang 736 na mga kabayo, 245 mola, 435 kamelyo, at 6,720 asno.

Pagdating nila sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng bahay ng Diyos sa dati nitong kinatatayuan. Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito. At ang kabuuang natipon nila ay mga limandaang kilong ginto, mga tatlong libong kilong pilak, at isang daang pirasong kasuotan para sa mga pari.

Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa kani-kanilang bayan, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga mang-aawit, ang mga tagapagbantay ng Templo, ang mga tagapaglingkod sa Templo at ang iba pang mga Israelita ay nanumbalik sa kanilang mga bayan.

Source notes (3)
  1. Footnote Jeshua : O Josue.
  2. Footnote na tinatawag ding Ezequias : O mula sa pamilya ni Ezequias.
  3. Footnote Urim at Tumim : Dalawang bagay na ginagamit para alamin ang kalooban ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.