Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025
Ezekiel 15
Jerusalem, ang Walang Kabuluhang //Sanga ng Ubas
Sinabi sa akin ng Panginoon, “Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy? Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan? Hindi! Maaari lang itong gamiting panggatong; ganoon pa man madali itong matutupok. Hindi na nila ito magamit noong itoʼy buo pa, mas lalo na ngayong ito sinunog na ng apoy.
“Ngayon, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi na ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng baging ng ubas na tumutubong kasama ng mga punongkahoy sa kagubatan. Dahil itoʼy walang kabuluhan, susunugin ko sila. Oo, parurusahan ko sila at kahit na makatakas sila sa apoy, tutupukin pa rin sila ng isa pang apoy. At malalaman nila na ako ang Panginoon. Gagawin kong tiwangwang ang lugar nila dahil nagtaksil sila sa akin. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.
Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.