Skip to content
BibleKenya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Mga Cronica 2

Ang mga Lalaking Anak ni Israel

Ang mga lalaking anak ni Israel ay sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Asher.

Ang Lahi ni Juda

May tatlong anak na lalaki si Juda sa asawa niyang si Batshua na isang Cananeo. Silaʼy sina Er, Onan at Shela. Si Er ang panganay sa magkakapatid. Masama siya sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon. May mga anak pang lalaki si Juda kay Tamar na kanyang manugang. Silaʼy sina Peres at Zera. Lima lahat ang lalaking anak ni Juda.

Ang mga lalaking anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul.

Ang mga lalaking anak ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda1. Lima silang lahat na anak ni Zera.

Ang lalaking anak ni Carmi2 ay si Acar.3 Si Acar ang nagdala ng kasamaan sa Israel dahil kinuha niya ang mga bagay na inilaan nang buo4 para sa Diyos. Ang lalaking anak ni Etan ay si Azarias.

Ang Lahing Pinagmulan ni David

Ang mga lalaking anak ni Hezron ay sina Jerameel, Ram at Caleb.5

Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab naman ang ama ni Naason na pinuno ng lahi ni Juda.

Si Naason ang ama ni Salma.6

Si Salma ang ama ni Boaz.

Si Boaz ang ama ni Obed.

Si Obed ang ama ni Jesse.

Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Simea, ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai, ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David.

Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruias7 at Abigail. Si Zeruias ay may tatlong anak na lalaki na sina Abisai, Joab at Asahel. Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ismaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.

Ang Angkan ni Hezron

Ang anak ni Hezron na si Caleb ay may mga anak sa asawa niyang si Azuba na tinatawag ding Jeriot.8 Ang kanyang mga anak na lalaki ay sina Jeser, Sobab at Ardon. Pagkamatay ni Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata at nagkaanak sila ng lalaki na si Hur. Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel.

Noong animnapung taóng gulang na si Hezron, napangasawa niya ang anak ni Maquir, ang kapatid na babae ni Gilead. Si Segub ang naging anak nila. Si Segub ang ama ni Jair, na namahala ng dalawampuʼt tatlong bayan sa Gilead. (Ngunit dumating ang panahon na inagaw nina Gesur at Aram ang mga bayan ni Jair9 at ang Kenat, pati ang animnapung bayan sa paligid nito.)

Silang lahat ang angkan ni Maquir na ama ni Gilead.

Pagkamatay ni Hezron sa Caleb-efrata, isinilang ng kanyang asawang si Abias ang kanilang anak na si Asur na siyang ama ni Tekoa.

Ang Angkan ni Jerameel na Anak ni Hezron

Ang mga lalaking anak ni Jerameel na panganay na anak ni Hezron ay sina Ram na panganay, ang mga sumunod na sina Buna, Orem, Ozem at Ahias. Si Jerameel ay may isa pang asawa na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam.

Ang mga lalaking anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin at Equer.

Ang mga lalaking anak ni Onam ay sina Samai at Jada.

Ang mga lalaking anak ni Samai ay sina Nadab at Abisur.

Ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail. Ang kanilang anak na lalaki ay sina Ahban at Molid.

Ang mga lalaking anak ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak. Ang lalaking anak ni Apaim ay si Isi. Si Isi ang ama ni Sesan at si Sesan ang ama ni Ahlai.

Ang mga lalaking anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak. Ang mga lalaking anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza.

Silang lahat ang angkan ni Jerameel.

Walang anak na lalaki si Sesan kundi puro babae. May alipin siyang Ehipsiyo na ang pangalan ay Jarha. Ibinigay ni Sesan ang anak niyang babae kay Jarha bilang asawa. Nagkaanak sila na ang pangalan ay Atai.

Si Atai ang ama ni Natan.

Si Natan ang ama ni Zabad.

Si Zabad naman ang ama ni Eflal.

Si Eflal ang ama ni Obed.

Si Obed ang ama ni Jehu.

Si Jehu ang ama ni Azarias.

Si Azarias ang ama ni Helez.

Si Helez ang ama ni Eleasa.

Si Eleasa ang ama ni Sismai.

Si Sismai ang ama ni Salum.

Si Salum ang ama ni Jecamias.

Si Jecamias ang ama ni Elisama.

Ang Iba pang Angkan ni Caleb

Ang panganay na lalaking anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Ang ikalawa niyang anak ay si Maresa na ama ni Hebron.

Ang mga lalaking anak ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Requem at Sema. Si Sema ang ama ni Raham, at si Raham ang ama ni Jorqueam. Si Requem ang ama ni Samai, si Samai ang ama ni Maon, at si Maon ang ama ni Bet-sur.

Ang asawang alipin ni Caleb na si Efa ang ina nina Haran, Moza at Gasez. Si Haran ang ama ni Gasez.

Ang mga lalaking anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf.

Ang isa pang asawang alipin ni Caleb ay si Maaca. May mga anak silang lalaki na sina Seber at Tirhana. Si Saaf na ama ni Madmana at Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa.

Ito lahat ang angkan ni Caleb.

Ang Angkan ni Hur na Anak ni Caleb

Ang mga anak ni Hur na panganay na lalaking anak ni Caleb kay Efrata ay sina Sobal na nagtatag ng Kiriat-jearim, si Salma na nagtatag ng Bethlehem, at si Haref na nagtatag ng Bet-gader.

Ang angkan ni Sobal na nagtatag ng Kiriat-jearim ay ang mga Haroe, ang kalahati ng mga naninirahan sa Menuho,10 at ang angkan ni Kiriat-jearim ay ang mga Itrita, Putita, Sumatita at Misraita. Sila ang pinagmulan ng mga Zorita at mga Estaolita.

Ang angkan ni Salma ay ang mga taga-Bethlehem, mga taga-Netofa, mga taga-Atrot-bet-joab, ang kalahati ng mga Manahatita, at ang mga Zorita. Ang lahi ng mga Tiratita, Simatita at Sucatita na magagaling sumulat ng mga dokumento ay nakatira sa bayan ng Jabez. Sila ang mga Kenita na nagmula kay Hamat, na ama ng pamilya ni Bet-recab.11

Source notes (11)
  1. Footnote Darda : O Dara.
  2. Footnote Carmi : Maaaring siya ay anak ni Zimri.
  3. Footnote Acar : O Acan.
  4. Footnote inilaan nang buo : Mga samsam na nakalaang sirain lahat bilang handog sa Diyos.
  5. Footnote Caleb : Sa Hebreo, ay Kelubai.
  6. Footnote Salma : Sa Hebreo, Salmon.
  7. Footnote Zeruias : O Zeruias.
  8. Footnote na tinatawag ding Jeriot : O at anak na babaeng si Jeriot.
  9. Footnote mga bayan ni Jair : O Havot Jair.
  10. Footnote Menuho : O Manahatita.
  11. Footnote Recab : O Pinagmulan ng angkan ni Recab.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025. Copyright © Biblica, Inc. Licensed under CC BY-SA 4.0. Source: Open.Bible. Typeset from the source files; no intended changes to scripture wording. BibleKenya is not endorsed by the rights holder.

Full source notice & licence · CC BY-SA 4.0 · SourceEdition imported 2026-11-09.

BibleKenya

Reader settings

Theme
Font
Alignment
Reading width

Saved in this browser and used offline too. Press ? for keyboard shortcuts.